Sunday, 8 June 2014

Ano'ng oras na. 12:33 na ng madaling araw.

Ano ba 'yan. Walang katapusang pagsusulat ng musika. Nakalimutan ko anong oras na pala.
Pero ayos lang dahil nakagawa ako ng kanta. 'Yung kanta na ito e hindi ko kanta. Ginawa ko lang 'yung music. 'Yung lyrics, melody, etc. Naisip ko mas bagay ito sa singer na lalake. E may kumpare ako na vocalist at 'yung genre nila ay medyo ganito kaya naisip ko sa kanya na lang 'to. Basta ako lang 'yung composer, hehe. Tingin ko bagay na bagay ito sa boses niya. Bagay rin na kanta ito ng banda niya. Ni-send ko kanina 'yung voice recording. Mabilis ko lang na ni-record sa phone ko. Aba . . . nagustuhan niya! Super awesome daw! Gustung-gusto niya yung guitar at yung melody ng kanta. NICE! Nakagawa ako ng good song. Ang saya! Haha. Tignan natin kung gawin nila itong kanta nila.
Kanina medyo nagbabasa-basa rin ako ng libro. Di ko pa rin tapos yung binabasa ko. Baka ipatuloy ko bago ako makatulog. Sana umaga na para makakain na ako ng breakfast, hahaha. Gusto ko na ng apple,yoghurt tsaka mani. Tapos gusto ko ulit magsulat ng music. Ang saya. Ito na lang lagi ang ginagawa ko araw-araw. Buong magdamag.

No comments:

Post a Comment