Marunong akong mag-tagalog. Medyo baluktot man minsan, praktis lang at magiging bihasa ulit ako.
Marunong din akong mag-bisaya. Mas baluktot ang bisaya ko. Nakakaintindi ako, pero hindi na gaanong nakakapag-salita kaya marami nang salitang nakalimutan. Pero kung may marinig akong mag-salita ng bisaya siguradong maiintindihan ko.
Nakaka-miss mag-bisaya, kaso wala akong makausap dito na marunong. Lahat sila nasa kabisayaan. Dito, tagalog lang kapag kasama ko ang mama ko. Kailan kaya ako makakapag-bisaya ulit? Siguro sa disyembre, kapag natuloy ang pagbisita ko doon. Sana hindi ako busy. 'Yung banda ko muna ang uunahin ko. 'Yung musika. Ito 'yung pinakamahal ko e.
No comments:
Post a Comment