Naggi-gitara ako kanina. Ine-edit ko na lang 'yung lyrics ng kantang sinulat ko. Tagalog 'yun. Tingin ko 'yung ginamit kong chords doon bagay na bagay siya sa kanta. Bagay siya doon sa nilalaman ng kanta. Ni-record ko rin saglit sa telepono at sa kompyuter ko para mapakinggan ko ulit mamaya. So, saan ko nakuha ang inspirasyon noong sinulat ko itong kanta? Ganito kasi 'yun, nagbabasa-basa ako ng kung anu-ano sa internet, tapos may nakita akong tragic na pangyayari. Mag-kasintahan sila, 'yung lalake namatay. Totoong nangyari 'to, at nung kailan lang nangyari. Bata pa sila, mga nasa 20s. Nakakalungkot, pati ako nadala talaga ng lungkot nila. Naiisip ko kasi kung ako 'yung nasa sapatos ng babaeng 'yun. Parang ang hirap. Ang lalo pang kinalulungkot ko ay pareho silang napakagaling sa sining nila. Sa art nila. Nakita ko ang mga litratong kinuha nila, ang gaganda. At dahil ako'y medyo creative rin, parang may koneksyon ako sa kanila. Dito ako na-inspire na gumawa ng kanta tungkol sa pangyayari. Hindi man nila alam na para sa kanila ang kantang ito, pero sana balang araw marinig nila 'to. Mabilis ko lang natapos ang pagsusulat ng kantang 'to. Ang dami talagang salitang naisulat ng lapis ko. Sana 'wag kayong mawalan ng pag-asa, kayong mga naiwang mahal niya sa buhay. Magpakatatag kayo, kaya niyo 'yan.
No comments:
Post a Comment